ALAMIN: Mga pari sa Laguna, lihim nang nag-aarmas pang proteksyon


Mga pari sa Laguna lihim nang nag-aarmas pang proteksyon
MANILA, Philippines — Lihim na umanong nagdadala ng armas ang ilang mga pari sa Laguna bilang proteksyon sa kanilang mga sarili.
Ito ang ibinunyag ni Calamba Parishioner Atty. Francisco dela Rosa, matapos ang sunud-sunod na kaso ng pamamaslang sa mga tao ng simbahan ng mga ‘di nakilalang gunmen.
Ayon kay dela Rosa, matinding takot ang idinulot sa kanila ng serye ng pamamaslang sa kanilang hanay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pahayag ng Calamba Parishioner, labis din nilang ikinakabahala ang pahayag ni PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde na isolated incident lamang ang mga kaso ng pagpatay sa mga pari na dapat umanong masusing maimbestigahan.
“And the PNP (Philippine National Police) leadership saying ‘there is no cause for alarm’ is in itself more alarming.”
“Self-preservation is not only political or constitutional but likewise a divine right of every human being. Otherwise, the good and not the bad people will all be liquidated.” Dagdag pa ni dela Rosa.
Base sa ulat, apat na pari na ang nasawi simula December 2017 hanggang sa kasalukuyang buwan na kinabibilangan nina Fr. Richmond Nilo ng Zaragoza, Nueva Ecija, Fr. Mark Ventura ng Cagayan province, Fr. Marcelito Paez ng Jaen, Nueva Ecija at kamakailan lamang ay si Fr. Rey Urmeneta, na isang dating Police Chaplain ng Calamba, Laguna.
Source: PhilStar

No comments:

Powered by Blogger.