ALAMIN! DU30 Gov’t, Namigay ng Libo-libong Titulo ng Lupa sa mga Magsasaka!


Sa pamamagitan ng Duterte Government, naibigay na rin sa wakas ang mga lupang matagal ng hinihintay ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) noong Hunyo 20 sa Cabanatuan. Aabot sa 2,314 mga magssaka ang nakatanggap ng titulo ng lupa mula sa gobyerno. Tinatayang 2,694 na hektaryang lupa ang naipamigay sa ating mga kababayan magsasaka ng Duterte Administration.

Hindi lang lupa ang ipinamigay ng Duterte Administration, pati support service ay ibibigay din sa mga magsasaka.
Sa naturang pagtitipon, muli sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na balak niyang ipamigay ang mga lupa Boracay sa mga karapat-dapat na mga magsasaka.
“I will continue to implement land reform… If validated as agricultural land ‘yan, ipamahagi ko yang mga lupa sa Boracay to qualified and deserving farmers,” sabi ng Pangulo.
Ito po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pamimigay ng lupa ng DUterte Administration sa mga magsasaka.

No comments:

Powered by Blogger.